MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang walang tigil na pagbuhos ng malaÂkas na ulan at malawakang pagbaha kahapon para makansela ang mga aktiÂbidades sa larangan ng paÂlakasan.
Ang pamunuan ng PhÂiÂlippine Sportswriters’ AssoÂciation (PSA) ay nagdesisÂyon noong Lunes ng gabi na huwag munang ituloy ang forum sa Shakey’s Malate dahil sa inaasahang patuloy na pagsama ng panahon dala ng Habagat na hila-hila ng bayong Maring.
Panauhin sana si PSC commissioner Jolly Gomez at tatalakayin ang 2013 Batang Pinoy na bubuksan sa Tagum City, Davao del Norte mula Agosto 27 hanggang 31.
Martes ng madaling araw nang bumuhos uli ang malalakas na ulan para ianunsyo na rin ng Shakey’s V-League na ire-reset nila ang mga larong dapat ginawa kahapon sa The Arena sa San Juan City.
“Metro-wide flooding caused by Typhoon Maring and southwest moonsoon rains forced the organizing Sports Vision to cancel the scheduled triple bill of the Shakey’s V-League Season 10 Open Conference Tuesday at The Arena in San Juan City.
“The matches pitting FEU vs Army, Navy vs Cagayan and Air Force vs Meralco will be played on a later date. Weather-permitting, the league resumes on Friday with PNP battlng Smart-Maynilad and Air Force colliding with Cagayan Province,†kalatas ng V-League sa kanilang Facebook account.
Dahil inanunsyo ng PAGASA na sa Huwebes pa posibleng magkaroon ng magandang panahon ang Metro Manila, minabuti na rin ng UAAP ang pagpapaÂliban ng mga laro na dapat ay gagawin ngayon sa Mall of Asia sa Pasay City.
Si UAAP board secretary Malou Isip ng host Adamson ang nagpasabi na kanselado na ang mga laro na katatampukan sana ng pagtutuos ng UE at UP at Ateneo at UST.
“Due to continuous rain and floods around the metro, we are canceling UAAP men’s and women’s basketball games tom. Aug 21 and will rescheduled to another date. Pls keep your ticket/s for the meantime. Thank you,†tweet ng liga.
Ang NCAA ang naunang nagsantabi ng mga laro noong Lunes nang nagsimulang bugbugin ang Metro Manila at karatig probinsya ng walang tigil na malalakas na ulan dala ng Habagat.
Samantala, inihayag din kahapon ni PCSO chairman Margie Juico ang pagkansela ng PNoy Sports dahil sa maraming bahagi ng Kamaynilaan ay nananatiÂling lubog sa baha sanhi ng dinaranas na tropical storm “Maringâ€.
“I know the children were excited about the games but we have to postpone it to another day,†ani Juico.
May 400 na kabataan edad 7-12 ang nakapagpatala na sa PNoy Sports Quezon City Memorial Circle na pawang mga lihitimong residente ng Kyusi at sabik ng maglaro sa limang kategorya tulad ng Luksong Baka,Patintero, Luksong Tinik, Sipa at Dama.