Abueva palaban sa MVP/ROY
MANILA, Philippines - Mula sa kanyang magandang ipinakita sa nakaraang 2013 PBA Philippine at Commissioner’s Cup, pinangunahan ni power forward Calvin Abueva ng Alaska ang karera para sa Most Valuable Player at Rookie of the Year awards sa 38th season ng PBA.
Kumolekta ang 24-anyos na rookie ng pinagsamang 21.4 statistical points (sps) mula sa 2013 Philippine Cup at Commissioner’s Cup.
Bumandera ang dating San Sebastian Stag sa pagwalis ng Aces sa kanilang best-of-three championship series ng Ginebra Gin Kings para angkinin ang PBA Commissioner’s Cup.
Si Abueva, dating NCAA MVP awarÂdee at ang No. 2 overall pick ng Alaska sa 2012 PBA Draft, ang bumabandera para sa labanan sa Rookie of the Year award kasunod si top overall pick June Mar Fajardo ng Petron Blaze.
Lumaban din ang 6-foot-2 na si Abueva sa karera para sa Best Player of the Conference award ng nakaraang dalawang komperensya at pati na sa Finals MVP honor sa paghahari ng Aces sa 2013 Commissioner’s Cup.
Ngunit maski isa diÂto ay walang nakuha si Abueva.
Si Jayson Castro ng nagkampeong Talk ‘N Text ang hinirang na Best Player of the Conference ng PBA Philippine Cup, habang si LA Tenorio ng sumegundang Ginebra ang kinilala naman sa PBA Commissioner’s Cup.
Tanging si Benjie Paras ng Shell ang nakakuha sa MVP at ROY awards sa isang PBA season noong 1989.
Ngunit posibleng makaapekto sa tsansa ni Abueva para sa MVP at ROY awards ang kanyang nakaraang mga away sa off season kina Joe DeVance ng San Mig Coffee at Danny Seigle ng Barako Bull.
Kasama sa botohan ang mga players.
Nasa ilalim ni Abueva para sa MVP plum si Arwind Santos ng Petron na may average na 21.0 sps., kasunod sina Castro (20.0 sps.), Ranidel de Ocampo (19.1 sps.) ng Talk ‘N Text, Sol Mercado (19.4 sps.) ng Globalport, 2012 MVP Mark Caguioa (19.1 sps.) ng Ginebra.
Nasa No. 7 si JVee Casio (18.8 sps.) ng Alaska kasunod sina Tenorio (18.2 sps.), Cyrus Baguio (18.1 sps.) ng Alaska at Marc Pingris (17.69 sps) ng San Mig Coffee.
Kaagawan naman nina Abueva at Fajardo sa ROY award sina Cliff Hodge (15.1 sps.) ng Meralco, Chris Ellis (13.5) ng Ginebra at Vic Manuel (10.2) ng Meralco.
- Latest