Tigresses dinumihan ang Lady Tams

MANILA, Philippines - Nagtapos na ang 26-game winning streak ng Far Eas­tern University sa UAAP women’s basketball tournament.

Ito ay matapos mabigo ang Lady Tamaraws sa Univer­sity of Santo Tomas Golden Tigresses, 58-61, noong Linggo sa Mall of Asia Arena.

Huling natalo ang FEU belles sa Adamson University Lady Falcons, 56-60, sa Game One ng best-of-three championship series noong Setyembre 24, 2011.

Ang 26 sunod na panalo ng Lady Tamaraws ang pina­kamahabang winning streak sa kasaysayan ng UAAP women’s basketball tournament.

Nagsalpak si Lore Rivera ng dalawang charities sa na­titirang 12.2 segundo para selyuhan ang naturang panalo ng Tigresses.

Kumolekta si Maica Cortes ng 20 points at 13 rebounds, habang humakot si Marian Mejia ng 11 points at 13 boards para sa UST na may 5-4 record. 

Naiganti ng Tigresses ang kanilang 51-52 kabiguan sa Lady Tamaraws (9-1) sa first round.

Show comments