MANILA, Philippines - Naging handa ang La Salle sa pagbangon ng FEU upang kumpletuhin ang 75-66 panalo na nangyari sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dalawang jumper ni Jeron Teng at tres ni Almond Vosotros ang itinugon ng Archers matapos makita na ang naunang 22 puntos kalamangan, 43-21, ay nagÂlaho at naging dalawang puntos na lamang, 64-62, para mabalik sa koponan ang momentum.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Archers para umangat sa 5-4 baraha at naipaghiganti nila ang tinamong 79-83 pagkatalo sa overtime sa larong dinomina nila nang hawakan ang 13 puntos mahigit dalawang minuto na lamang sa regulation.
Si Jason Perkins ay mayroong double-double na 18 puntos at 13 boards habang sina Teng at VosoÂtros ay tumapos ng 16 at 13 puntos.
Si Teng ay humablot pa ng 9 rebounds upang tuluÂngan ang Archers na dominahin ang rebounding, 59-36.
Nakapaglaro naman si RR Garcia matapos maospital ng dalawang araw mula Miyerkules ng gabi pero wala siya sa kondisÂyon matapos magkaroon lamang ng limang puntos sa 2-of-7 shooting.
Hindi rin nakitaan uli ng magandang performance ang naunang nagpasikat na si Terrence Romeo na kahit gumawa ng 12 puntos ay apat lamang ang naipasok sa 18 buslo at ang Tamaraws ay natalo sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos walisin ang pitong laro sa first round.
Lumabas naman ang pinakamabangis na laro ng National University nang kanilang gutay-gutayin ang host Adamson, 80-48, sa unang laro.
Bumawi si Parks sa pagkakaroon lamang ng pitong puntos sa huling laban sa ginawang 16 puntos (7-of-12 shooting) bukod sa 6 rebounds at 5 assists para makatuwang uli ni Emmanuel Mbe na mayroong 21 puntos,10 boardds at 4 steals.