MANILA, Philippines - Ginawa na ng SamaÂhang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang dapat gawin para bigyan ng pagkakataon ang women’s basketball team na makasama sa SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.
Inendorso na ng SBP ang koponang hawak ni national coach Haydee Ong at suportado ng Discovery Suites sa Task Force SEA Games para maikonsidera sila sa binuÂbuong Pambansang deÂlegasyon.
“Inendorso na namin ang team sa SEA Games Task Force. Kung ano ang sunod na mangyayari ay hindi na namin hawak ito,†wika ni SBP executive direcÂtor Sonny Barrios.
Naunang hindi inendorso ng SBP ang women’s team dahil sa naunang criteria ng mga sports bodies na Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) na tanging ang mga gold medal potentials lamang ang puwedeng isama sa Pambansang delegasyon.
Pero binigyan ng pagkakataon ng POC at PSC ang ibang teams o indibidwal na atleta na mapasama sa koponan kung mapapatunayan na karapat-dapat base sa ipakikitang laban sa mga kampanyang sasaÂlihan bago idaos ang Myanmar Games.
May posibilidad na masama ang women’s cage team pero malamang na pondohan nila ang sarili tulad ng balak gawin sa men’s at women’s football teams para makatipid ng gastusin ang pamahalaan.
Ang Pilipinas ay nanalo ng pilak sa 2011 Indonesia SEAG nang natalo sa overtime sa Thailand na siyang nanalo ng ginto.
Sa ngayon ay sasailalim sa tatlong bansang kompetisyon ang women’s team na gagawin sa Naga City para maipakita ang kanilang kalidad.