Laro Ngayon
(The Arena,
San Juan City)
2 p.m. Meralco vs PNP
4 p.m. Smart vs FEU
MANILA, Philippines - Agawan sa unang paÂnalo ang habol ng apat sa walong koponang kaÂsali sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngaÂyong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Unang magtutuos ang mga baguhang koponan na Meralco at Philippine National Police sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Smart-Maynilad at FEU dakong alas-4 at ang mga mananalo ang hahawak sa maagang liderato sa ligang inorgaÂnisa ng Sports Vision kaÂtuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Mahalaga ang mga panalong maitatala sa baÂwat laro dahil ang maÂngungunang anim sa waÂlong kalahok matapos ang single round elimination ang aabante sa quarterfinals at bibitbitin nila ang kanilang win-loss records.
Ang Smart na hawak ni coach Roger Gorayeb ang siyang ipinalalagay na isa sa team to beat dahil sa pagkakuha ng mga mahuhusay na manlalaro sa pangunguna ng mga batikang setters na sina Rubie De Leon at Jem Ferrer.
Si De Leon ang lumabas bilang Finals MVP sa first conference nang tuluÂngan na magkampeon ang National University habang si Ferrer ang pambato ng Ateneo na tumapos sa ikalawang puwesto sa UAAP.
Nasa koponan din sina Susan Roces, Charo SoriaÂno at Alyssa Valdez na kinilala bilang pinakapopular na manlalaro ng liga sa unang 10 taon habang sina Maru Banaticla, Melissa Gohing, Mica Guliman at bagitong Gretchel Soltones ang kukumpleto sa line-up.
Ang dating UAAP best setter Gyzelle Sy at digger Christine Agno ang maÂngunguna sa Lady Tamaraws na hanap na maitala ang unang upset sa torneo.
Pinagsama naman sa Meralco ang mga maÂtitikas na manlalaro ng AteÂneo at La Salle upang sorpresahin ang PNP volleybelles na bubuuin ng mga beteranong spikers.
Sina Fille Cainglet ng Ateneo ay makikipagtuluÂngan kina Stephanie Mercado, Ivy Remulla at Maureen Penetrante-Ouano ng La Salle para bigyan ang koponan ng unang panalo
Nasa Meralco rin ang mahusay na libero ng NU na si Jennylyn Reyes bukod pa kina Maica Morada at Zharmaine Velez.
Ang unang laro ay mapapanood sa GMA News TV Channel 11 bukas habang ang second game ay sa Martes ipapalabas simula ala-1 ng hapon.