Garcia nakalabas na sa ospital

MANILA, Philippines - Dalawang gabi na namalagi sa ospital si RR Garcia bunga ng lagnat dala ng allergy.

Masama na ang pakiramdam ni Garcia pero naglaro pa noong Miyerkules laban sa National University na siyang pinalad na nanalo, 59-58.

Si Garcia ay mayroong 20 puntos pero masama ang inilaro ni Terrence Romeo para lasapin ng Tamaraws ang kauna-unahang pagkatalo matapos ang pitong sunod na panalo sa first round.

“Nakalabas na siya ng ospital pero hindi pa malaman kung makakapaglaro siya sa Linggo dahil kailangan pa siyang suriin ng mga doktor,” wika ni Tamaraws coach Nash Racela.

Katipan ng Tamaraws ang La Salle sa men’s basketball sa Mall of Asia Arena.

Samantala, lumawig sa walo ang pagpapanalo ng Far Eastern University (FEU) sa UAAP Season 76 women’s basketball nang angkinin ang 67-62 panalo sa La Salle sa pagbubukas ng second round noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Si Camille Sambile ay mayroong 27 puntos at 15 rebounds habang si Jack Tanaman ay naghatid ng 15 puntos, 8 rebounds at 5 assists para sa Lady Tamaraws na nanalo sa ikawalong sunod na pagkakataon.

 

Show comments