Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. Meralco vs PNP
4 p.m. Smart vs FEU
MANILA, Philippines - Pinangalanan ang PhiÂlippine Army at Smart bilang mga teams to beat sa 10th Shakey’s V-League Open Conference na magsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.
Bagama’t palaban din ang anim na iba pang koponang kasali sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, ang Lady Troopers at Smart ay napapaboran dahil sa pagkakaroon ng mga beÂteranong manlalaro na isinahog sa mga bata pero mahuhusay na players.
Mangunguna sa Philippine Army si Joanne Bunag na nakasama sa 2011 team na nagkampeon sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Makakasama niya sina Rachel Anne Daquis, MaÂrietta Carolino, MJ Balse at Nene Bautista.
Ang Smart na hawak ni coach Roger Gorayeb, ay pamumunuan nina Rubie De Leon, Alyssa Vadez, Jem Ferrer, Melissa GoÂhing, Charo Soriano, Maru Banaticla at Susan Roces.
Ayaw naman na tanggapin ni Gorayeb na sila ang pinakamalakas sa koponan lalo pa’t siyam pa lamang ang kanyang manlalaro sa team.
Ang dalawang kopoÂnang ito ay magtutuos sa huling araw ng eliminasyon sa Setyembre 15.
Ang iba pang kasaling koponan ay ang Air Force, Cagayan Province, Philippine National Police, Meralco, Navy at FEU ay naghahanda rin para makasilat.