^

PSN Palaro

Smart, Army paborito sa titulo sa Shakey’s V-League Open

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Meralco vs PNP

4 p.m.  Smart vs FEU

 

MANILA, Philippines - Pinangalanan ang Phi­lippine Army at Smart bilang mga teams to beat sa 10th Shakey’s V-League Open Conference na magsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.

Bagama’t palaban din ang anim na iba pang koponang kasali sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, ang Lady Troopers at Smart ay napapaboran dahil sa pagkakaroon ng mga be­teranong manlalaro na isinahog sa mga bata pero mahuhusay na players.

Mangunguna sa Philippine Army si Joanne Bunag na nakasama sa 2011 team na nagkampeon sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Makakasama niya sina Rachel Anne Daquis, Ma­rietta Carolino, MJ Balse at Nene Bautista.

Ang Smart na hawak ni coach Roger Gorayeb, ay pamumunuan nina Rubie De Leon, Alyssa Vadez, Jem Ferrer, Melissa Go­hing, Charo Soriano, Maru Banaticla at Susan Roces.

Ayaw naman na tanggapin ni Gorayeb na sila ang pinakamalakas sa koponan lalo pa’t siyam pa lamang ang kanyang manlalaro sa team.

Ang dalawang kopo­nang ito ay magtutuos sa huling araw ng eliminasyon sa Setyembre 15.

Ang iba pang kasaling koponan ay ang Air Force, Cagayan Province, Philippine National Police, Meralco, Navy at FEU ay naghahanda rin para makasilat.

 

vuukle comment

AIR FORCE

ALYSSA VADEZ

ANG SMART

CAGAYAN PROVINCE

CHARO SORIANO

JEM FERRER

JOANNE BUNAG

LADY TROOPERS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with