Smart PTL magbabalik
MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang 20Â13 Smart Philippine TaekÂwondo League bukas at sa Linggo sa dalawang SM centers.
Pitong paaralan ang maÂsasabak sa anim na laro sa apat na dibisyon sa SM Masinag bukas haÂb ang walong koponan ang magsusukatan sa anim na labanan sa dalawang dibisyon sa Linggo.
Ang mga magsusukaÂtan bukas ay UP-FEU at Ateneo-UST sa senior men, La Salle-San Sebastian at San Beda-Lyceum sa senior women, San SeÂbastian-San Beda sa junior men, at FEU at San Sebastian sa Cadet boys.
Tapatan ng UP-UE, San Beda-La Salle at FEU-San Sebastian sa seÂnior men; SBC-FEU, St. Benilde-UP at La Salle-UST sa senior women ang mapapanood sa Linggo.
Sa ganap ala-1 ng haÂpon sisimulan ang laÂbaÂnan sa torneong may basbas ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc., PLDT, TV5, Meralco, Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).
Si Monsour del Rosario ang tournament commissioner at si Stephen Fernandez ang tournament director at gagamit ang liga ng PSS (Protective Scoring System) at ESS (Electronic Scoring System), electronic armors at socks bukod pa sa IVR (Instant Video Replay) upang mabawasan ang human error sa judging ng mga laban.
Magkakaroon din ang PTL ng special round na “Tag round†na ipinaiiral ng World Taekwondo Federation.
- Latest