MANILA, Philippines - Nalagay sa peligro ang hangarin ni GM Wesley So na manatiling palaban sa FIDE World Chess Cup nang matalo kay Russian GM Evgeny Tomashevsky noong Miyerkules ng gabi sa Tromso, Norway.
Bumigay si So sa 51 sulungan ng Grunfeld Defense para malagay sa must-win sa ikalawang pagtutuos nila ni Tomashevsky na nilaro kahapon.
Napilitang mag-resign si So dahil hindi na niya mapiÂpigilan ang dalawang abanteng pawn6s ni Tomashevsky na maging queen.
Sakaling manalo ang 19-anyos na si So, na tinalo si GM Alexander Ipatov ng Turkey sa first round, sa ikalawang laro, magtutuos uli sila ng Russian GM sa rapid playoff sa Biyernes para malaman kung sino sa dalawa ang aabante sa third round.
Nais ni So na talunin ang kalaban para wakasan ang pagdodomina ng mga Russian GMs sa kanya.