^

PSN Palaro

So nanganganib sa WC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalagay sa peligro ang hangarin ni GM Wesley So na manatiling palaban sa FIDE World Chess Cup nang matalo kay Russian GM Evgeny Tomashevsky noong Miyerkules ng gabi sa Tromso, Norway.

Bumigay si So sa 51 sulungan ng Grunfeld Defense para malagay sa must-win sa ikalawang pagtutuos nila ni Tomashevsky na nilaro kahapon.

Napilitang mag-resign si So dahil hindi na niya mapi­pigilan ang dalawang abanteng pawn6s ni Tomashevsky na maging queen.

Sakaling manalo ang 19-anyos na si So, na tinalo si GM Alexander Ipatov ng Turkey sa first round, sa ikalawang laro, magtutuos uli sila ng Russian GM sa rapid playoff sa Biyernes para malaman kung sino sa dalawa ang aabante sa third round.

Nais ni So na talunin ang kalaban para wakasan ang pagdodomina ng mga Russian GMs sa kanya.

ALEXANDER IPATOV

BIYERNES

BUMIGAY

EVGENY TOMASHEVSKY

GRUNFELD DEFENSE

MIYERKULES

TOMASHEVSKY

WESLEY SO

WORLD CHESS CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with