^

PSN Palaro

AYG athletes sasabak na sa aksyon

Pilipino Star Ngayon

NANJING--Kabuuang 54 atleta ang ilalahok ng Pilipinas para sa ikalawang Asian Youth Games na ma­­kikipagsabayan sa mga atleta ng 43 pang bansa.

Imbes na gamitin ang isang 62,000 Olympic Stadium, ang opening at closing ceremony ay idaraos sa city gymnasium.

Tanging 11 sa mga Filipino athletes kasama si chef-de-mission Tac Padilla ang makakasama sa parada   ngayong alas-5 ng hapon.

“We support simplicity,” sabi ni Ji Jianye, ang chief ng organizing committee para sa 2nd AYG na ini­lunsad sa Singapore noong 2009.

Ang AYG ay para sa mga atletang may edad na 14 hanggang 17-anyos.

“We consider this a very good exposure for our young athletes because here they will face quality opponents whom they will go up against in the future,” wika ni Padilla.

Noong 2009, kumuha ang Philippine team ng isang silver medal sa wo­men’s ja­velin mula kay Ste­phanie Cimato at isang bronze medal sa bowling (masters) galing kay Colins Jose.

Lalahok ang mga Filipino athletes sa athletics, badminton, basketball (3-on-3), fencing, golf, judo, rugby, shooting, swimming, tennis, table tennis, taekwondo at weightlifting.

ASIAN YOUTH GAMES

CIMATO

COLINS JOSE

IMBES

JI JIANYE

KABUUANG

LALAHOK

OLYMPIC STADIUM

TAC PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with