MANILA, Philippines - Walong koponan na magkakasukat ang lakas ang maglalabu-labo para sa Shakey’s V-League Open Conference na magbubukas na sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Ang mga kasali ay ang dating kampeon Philippine Army, Smart-Maynilad, Meralco, Philippine Air Force, Cagayan Province, Philippine National Police, Philippine Navy at FEU.
Ang mga tinitingalang manlalaro tulad nina Nene Bautista, MJ Balse, Rachel Daquis, Alyssa Valdez, Charo Soriano at Michelle Carolino ang ilan sa mga magpapasikat sa ligang may ayuda ng Shakey’s bukod pa sa Mikasa at Accel.
“With this cast, we expect another blockbuster conference. All the league stars are here so we expect no less than a dogfight for the title,†wika ni Vic Gregorio na EVP at COO ng sponsor na Shakey’s Pizza.
Nangunguna sa pabo-rito ay ang Philippine Army na nagdomina noong 2011 Open Conference. Sariwa rin ang koponan sa pagkapanalo sa Philippine Super Liga.
Mahalaga ang bawat laro dahil ang mangungunang anim na koponan matapos ang single round robin elimination ay aabante sa quarterfinals.
Bibitbitin ng mga umaÂbanteng koponan ang kaÂnilang win-loss records sa quarterfinals na isa ring single round robin para madetermina ang apat na aabante sa crossover seÂmifinals.
Ang Finals at battle-for-third ay gagawin sa best-of-three series.
Gagawin ang laro tuwing Linggo, Martes at Biyernes at ito ay mapapanood sa delayed basis sa GMA News TV Channel 11.