Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. Talk ‘N Text
vs Barako Bull
7:30 p.m. Meralco
vs Petron
MANILA, Philippines - Binuksan ng Batang Pier ang kanilang kampanya sa 2013 PBA Governor’s Cup mula sa isang malaking panalo.
Nagtayo ng isang 17-point lead sa second period, hindi na nilingon pa ng Globalport ang Air21 para kunin ang 101-94 panalo kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Bumandera si import Markeith Cummings para sa Batang Pier mula sa kinolektang 37 points, 11 rebounds at 3 steals sa kanyang deÂbut game sa PBA.
“He’s young. He’s very hardworking, that’s given. There’s not so much noise and I’m sure teams will be prepared for him,†ani coach Junel Baculi kay Cummings na humugot ng 14 markers sa first period at 10 sa fourth quarter.
Kaagad na kinuha ng Globalport ang 16-8 bentahe sa first period bago ibaon ang Air21 sa pamamagitan ng isang 17-point lead, 47-30, sa 5:46 ng second quarter.
Sa nasabing arangkada ay tumipa sina Cummings at Jaypee Belencion ng tig-isang three-point shot katuwang sina Jay Washington, Sol Mercado at Willie Miller patungo sa kanilang 78-68 abante sa pagtatapos ng third canto.
Isang split ni Marvin HaÂyes ang nagbigay sa Batang Pier ng 16-point advantage, 96-80, sa 5:24 ng fourth period.
Huling naibaba ng Express ang naturang kalamangan sa 94-101 buhat sa isang 3-point play ni balik-import Zach Graham sa nalalabing 14.5 segundo.
Nagdagdag si WaÂshington ng 15 points para sa Globalport kasunod ang 14 ni Belencion, naglista ng 4-of-9 shooting sa 3-point range, at 10 ni Miller.
Pinangunahan naman ni Graham ang Air21 mula sa kanyang 31 markers at 10 boards, samantalang nag-ambag si Niño CanaÂleta ng 19 points kasunod ang 13 ni Mark Isip.
Samantala, ipinarada naman sa halftime ng PBA ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas na kumuha ng silver medal sa katatapos na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
Globalport 101 - Cummings 37, Washington 15, Belencion 14, Miller 10, Lingganay 8, Mercado 8, Hayes 6, Salvador 2, Yee 1, Buensuceso 0, taha 0, Nabong 0, Alonzo 0.
Air21 94 - Graham 31, Canaleta 19, Isip 13, Menor 9, Sharma 8, Arboleda 7, Sena 2, Custodio 2, Cortez 2, Omolon 1, Manuel 0.
Quarterscores: 24-20; 53-42; 78-68; 101-94.