MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino Grandmaster Wesley So si GM Alexander Ipatov ng Turkey, 1.5-0.5, para umabante sa second round ng 2013 World Chess Cup sa Scandic Hotel sa Tromso, Norway.
Gamit ang puting piyesa, pinadapa ng 33th seed na si So (ELO 2708) ang No. 96th seed na si Ipatov (ELO 2583) sa 45 moves ng Petroff Defense sa una nilang laro sa standard play.
Sa kanilang ikalawang laban ay pinasuko ni So ang 20-anyos na si Ipatov sa pamamagitan ng 59 moves ng Grunfeld Defense, Exchange Variation gamit ang itim na piyesa.
Makakatapat ng 19-an-yos na si So sa second round ang mananalo sa paÂgitan nina No.32 seed GM Evgeny Tomashevsky ng Russia (ELO 2709) at No. 97 GM Alejandro Ramirez (ELO 2583) ng Amerika.
Nagtabla sina Tomashevsky at Ramirez sa una nilang laro.
Noong 2009 Khanty Mansiysk, Russia edition, binigo ni So si dating world championship candidates GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine, 1.5-.5, sa second round at isinunod si American GM Gata Kamsky, 1.5-.5, sa third round patungo sa quarterfinals.
Tinapos naman ni GM Vladimir Malakhov ng Russia ang pamamayagpag ni So, 4-1, sa rapid tiebreak.
Samantala, natalo naÂman sina 100th seed GM Oliver Barbosa (ELO 2572) at 110th seed GM Mark Paragua (ELO 2545) sa kani-kanilang laban sa 128-player, knockout-style event na inorganisa ng FIDE (World Chess FeÂderation).
Yumukod si Barbosa kay 29th seed GM Le Quang Liem (ELO 2712) ng Vietnam at natalo si PaÂragua kay 28th seed GM Dmitry Jakovenko ng Russia (ELO 2724) sa kani-kanilang two-game standard play.