Bryant dumating na sa Manila

MANILA, Philippines - Dumating si Los Angeles Lakers superstar Kobe Bryant sa bansa kahapon ng alas-3:40 ng madaling-araw sakay sa isang chartered flight mula sa Beijing, China.

Si Bryant ay nagbalik sa bansa para i-promote ang isang brand ng gadgets.

Kaagad isinakay si Bryant ng mga executives ng naturang gadgets  sa isang van at kaagad na umalis.

Hindi pinayagan ang media na koberan ang pagdating ni Bryant sa bansa.

Nakatakda sanang du­malo si Bryant sa isang event sa SM Mall of Asia Atrium kahapon ng alas-10:30 ng umaga ngunit ito ay inilipat sa alas-6 ng gabi.

Si Bryant ang ikaapat na NBA player na bumisita sa bansa matapos sina Mia­mi Heat LeBron James, James Harden ng Houston Rockets at Eric Gordon ng New Orleans Pelicans. Noong Hulyo ay dumating sa bansa si James para i-promote ang Nike.

Show comments