^

PSN Palaro

China lumayo na sa kinubrang 8-gold: Pinas binigyan uli ni Omengan ng gold

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatotohanan ni Alie­son Ken Omengan ang kanyang binitiwang salita na mananalo ng ginto sa individual events na sasalihan sa 7th Asian Junior Wushu Championship nang kunin ang unang pu­westo sa Group A men’s nanquan na ginawa sa Makati Coliseum.

Noong Biyernes ng gabi pinaglabanan ang na­sabing event at ang 15-anyos na tubong La Trinidad, Benguet ay na­big­yan ng 9.33 puntos para daigin sina Chio Wai Keong ng Macau (9.24) at Bishal Thapa Sinjali ng Nepal (9.16).

Tatlong individual events ang sinalihan ni Omengan sa apat na araw na kompetisyong inorganisa ng Wushu Fe­deration of the Philippines (WFP) at may ayuda ng PSC, POC, DOT, PCSO, Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Arrow shirts, Summit water at Burlington sock ngunit bigo siyang makapaghatid ng medalya sa nangun at nandao events.

“Ayos  lang po at kontento sa aking ipinakita dahil kahit paano ay naka­pag-contribute ako sa team,” wika ni Omengan na nakasama sa walong wushu artists ng bansa na kuminang sa group event noong Huwebes.

Ito ang unang pagka­kataon na nasalang si Omengan sa mas mataas na 15-17 age group pero makakatulong umano ito sa kanya para magpursigi sa pagsasanay bilang paghahanda sa 2014 World Junior Championship sa Malaysia.

May dalawang pilak pa ang ibinigay ni Faith Liana Andaya sa events ng Group C women’s elementary changquan (9.06) at jianshu (9.05) habang si Christian Nicholas Lapitan ay may bronze medal sa Group C men’s elementary changquan (8.98).

Isama pa ang ginto ni Agatha Chrystenzen Wong noong Biyernes, ang Pilipinas ay mayroon ng tatlong ginto, tatlong pilak at isang bronze medal para malagay sa ikalimang puwesto sa medal standings.

Lumalayo ang China sa  walong ginto at isang pilak habang ang mga kasunod ay ang Hong Kong (5-5-3), Macau (5-3-5) at Malaysia (3-3-5).

Tataas pa ang medalya ng host country dahil lima na ang nakapasok sa semifinals sa sanshou events.

Sina Thommy Aligaga (men’s 52kg) at Clemente Tabugara Jr. (men’s 56kg) ay nanalo kina Bahadur Vilyamusov ng Kyrgyzstan at Kyaw Kyaw ng Myanmar sa quarterfinals para samahan sina Vivine Wally (women’s 48kg), Vita Zamora (women’s 52kg) at Noel Alabata (men’s 48kg) na nakatiyak na ng bronze medals.

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIP

BAHADUR VILYAMUSOV

BISHAL THAPA SINJALI

CHIO WAI KEONG

CHRISTIAN NICHOLAS LAPITAN

GROUP C

OMENGAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with