MANILA, Philippines - Bumagsak sa ikalawang sunod na kabiguan ang Iloilo Province sa Little League Softball World Series nang pataubin ng Robinson, Texas, 14-3, na ginawa kahapon sa PortÂland, Oregon.
Sa unang dalawang innings lamang nakasabay ang koponang kumakatawan sa Asia-Pacific nang nakatabla sa 2-all matapos ang top of the second inning bago umararo ng hits at runs ang Texas para hawakan ang 14-2 bentahe.,
Sina Savanah Oliver, Harley Koerth, Rebeca Fajardo at Shelby Carter ang mga gumawa ng hits na nasabayan pa ng tatlong errors ng baguhang Ilongga team ang nagpalayo sa Texas sa ikalawang inning.
Sa kabuuan ay tumama ng siyam ang Texas laban sa tatlo lamang ng Iloilo na nagtala pa ng pitong errors kumpara sa dalawa lamang ng katunggali para kunin ang kanilang unang panalo.
Sunod na kaharap ng koponan mula Pilipinas na unang natalo sa New Jersey, 2-3, ay ang Canada at dapat na nilang makuha ang tunay na laro para maÂnatiling palaban sa titulo.
Ang New Jersey ang nangunguna sa Pool B sa 2-0 baraha habang ang Columbia ay may 1-1 at 0-1 ang Arizona.
Ang dalawang manguÂngunang koponan sa Pool B ay sasamahan ng top two teams sa Pool A sa crossover semifinals.
Hanap sana ng Iloilo na bigyan ng kulay ang laban ng Pilipinas sa torneo matapos ang pagkatalo ng Manila South at Laguna sa Big League at Junior League.
Ang Manila ang siyang nagdedepensang kampeon sa Big League pero ininda nila ang pagkakaroon ng maraming rookies para magkaroon lamang ng isang panalo matapos ang apat na laro.