MANILA, Philippines - Ang kabiguan ng China na umabante sa semifinals sa 27th FIBA Asia Men’s Championship ay maaÂaring ikaresulta sa pagtanggal kay Greek coach Panagiotis Giannakis.
Si Giannakis ay kinuha ng nasabing bansa noon lamang Abril para ibalik ang tikas ng China matapos ang kabiguang manalo ng isang laro sa London Olympics noong nakaraang taon.
Ang nakaupong coach noon ng China ay si Bob Donewald ng US at agad siyang sinibak sa kanyang puwesto.
Ipinalalagay na ganito rin ang mangyayari sa maÂalamat na Greek coach matapos ang di impresibong ipinakita ng koponan na binulaga ng kabiguan sa South Korea sa unang laro at nasundan ng pagyuko sa Iran sa Group C.
Pero ang pinakamalaÂking dagok sa kampanya ng koponang ay noong laÂsapin ang 96-78 pagkadurog sa karibal na Chinese Taipei sa quarterfinals para malaglag na lamang ang pinakadominanteng koponan sa rehiyon sa basÂketball sa battle-for-fifth place.
Bukod sa pagkakaroon ng injury sa pambatong sentro na si Yi Jianlian, lumakas na rin ang ibang koponan dahil sa pagkuha ng mga dayuhang coach o di kaya ay ang pagsungkit ng mga banyagang manlalaro bilang mga naturaÂlized player.
Ito ang ika-19th edisÂyon na nakasali ang China sa FIBA Asia na may 15 titulo bukod sa isang pilak at dalawang bronze medals.
Huling taon na hindi puÂmasok sa top three ang China ay noong 2007 nang ang inilabang koponan sa Tokushima, Japan ay hindi nakaabante sa Group staÂges sa 0-3 baraha. Ngunit ito ay dahil sa ang ipinadala nila ay mga batang manlaÂlaro para maihanda sila sa Beijing Olympic sa sumunod na taon.
Sa di inaasahang pagkatalo sa Taiwanese team, mapapatalsik na rin ang China sa FIBA World Cup na gagawin sa susunod na taon sa Madrid, Spain.
Ito lamang ang ikalawang pagkakataon na wala ang Chinese team sa World Cup sapul ng unang naglaro noong 1978 na itinaguyod ng Pilipinas.
Noong 1998 sa AÂthens Greece unang hindi naÂkaÂsali ang China para waÂkasan ang limang sunod na edisyon na nakapasok sila. Pinakamataas na inabot ng China sa World Cup ay dalawang ninth place na nangyari sa 1986 Spain at 2006 Saitama edition.
Ang huling labanan ay ginawa sa Istanbul, Turkey noong 2010 at nalagay sa 15th place ang Chinese team.