Laro Ngayon
(Philsports Arena, Pasig City)
10 a.m. Opening ceremony
12nn CEU vs RTU (Srs.)
1:30 p.m. PWU vs Miriam (Srs.)
3 p.m. St. Paul Pasig vs La Salle Antipolo (Jrs.)
MANILA, Philippines - Magkakasubukan agad ang mga koponan na nagtuos sa kampeonato noong nakaraang taon sa pagbubukas ng 44th season ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) ngayong umaga sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang CEU Scorpions at RTU Blue Thunder ang maghaharap sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali at inaasahang magiging maaksyon ito.
Winalis ng CEU at RTU noong nakaraang taon tuÂngo sa seniors title kaya’t tiyak na naghanda nang husto ang huli para maÂkaÂbawi.
Ang ikalawang laro dakong ala-1:30 ng hapon ay sa pagigitan ng PWU at Miriam na isa ring seniors game.
Ang St. Paul Pasig at La Salle Antipolo ang magtutuos dakong alas-3 sa juniors division na siyang tatapos sa tatlong larong nakahanap.