MANILA, Philippines - Nagbunga ang masidhing determinasyon ng 15-anÂyos na si Agatha Chrystenzen Wong nang maibigay niya ang ikalawang gintong medalya ng host Pilipinas sa idinadaos na 7th Asian Junior Wushu Championship sa Makati Coliseum.
Isinuong ang saÂrili sa pagÂsasanay matapos mabigo sa asam na medalya sa idinaos na 4th World Junior Wushu Championships sa Macau, China noong nakaraang taon, nakita ang magandang epekÂto nito matapos gawaÂran ng mga hurado ng 9.31 puÂntos sa group B women’s 32 form Taijijian tuÂngo sa ginto.
MalaÂyong nasa ikaÂlawang puwesto si TranThi Kieu Trang ng Vietnam sa 9.21 habang ang ikatlong puwesto ay nakuha ni Choi Yujeong ng Korea sa 9.20 puntos.
“Excited at may nerbiyos po ako pero ang inisip ko lang ay dapat ibigay ko ang best ko at lumaban,†wika ni Wong na nalagay sa pang-walong puwesto sa World event.
Lalaban pa ang fourth year high school student ng School of the Holy Spirit sa Quezon City sa taijiÂchuan ngaÂyong gabi at hanap niya na magkame-dalya pa.
Ito ang ikalawang gintong medalya ng koponang inilalaban ng Wushu FeÂde-ration of the Philippines matapos manalo ang koponan sa Group event noong HuÂwebes.
Isang pilak naman ang naibigay ni Dave Degala sa group A men’s 2nd set changquan sa naitalang 8.88 puntos. Ang ginto ay nakuha ni Lee Hoi Tan ng Macau sa 8.92 puntos.
Bigo naman si Degala na makapaghatid ng ikalawang medalya nang tumapos lamang sa ikaapat na puwesto sa group A men’s 2nd set gunshu sa 9.30 puntos habang si Vanessa Jo Chan ay nalagay sa ikasiyam na puwesto sa group B women’s 1st set changquan sa 8.91 puntos.
Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang ginto at 1 pilak na ang Pilipinas pero madadagdagan pa ito lalo pa’t nakatiyak na ng tatlong bronze medals ang host country sa sanshou (sparring) sa apat na araw na torneo na nilahukan ng 23 bansa at suportado ng PSC, POC, DOT, PCSO, Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Arrow shirts, Summit water at Burlington socks.
Nabiyayaan ng luck of the draw sina Noel Alabata (men’s 48kg), Vinine Wally (women’s 48kg) at Vita Zamora (women’s 52kg) at sila ay nag-bye sa first round para umabante na sa semifinals ng kanilang dibisyon.
Ang tatlong iba pang manlalaro na sina Thommy Aligaga (men’s 52kg), Clemente Tabugara Jr. (men’s 56kg) at James DaÂquil (men’s 60kg) ay paÂwang nagsipanalo sa unang laban para manatiÂling nakatuon sa medalya.
Tinalo ni Aligaga si Bahabur Vilyamusov ng Kyrgyzstan, si Tabugara ay nagdomina kay Amarjit Singh Thokchom ng Indonesia at si Daquil ay wagi kay Po Lee Sze ng Hong Kong para umabante sa quarterfinals.
Ang Philippine Star Online, Business Mirror, Malaya Business Insight, Pilipino Mirror at Manila Bulletin ang mga media partners, ang Focus Media ang LCD advertising partner, Xitrix Computer Crop ang technical partner habang ang DZSR Sports Radio ang radio partner.