Jordanian guard dismayado sa pagkakasibak

MANILA, Philippines - Hindi naitago ng star­ting point-guard ng Jordan ang kanyang pagka­dismaya sa kabiguan ng kanyang koponan na ma­kakuha ng tiket para sa 2014 World Championship in Spain.

“Now we are going down,” sabi ni Wesam Al Sous matapos ang 50-94 kabiguan ng Jordan sa Iran sa quarterfinals ng 27th FIBA-Asia Cham­pionship kahapon sa Mall of Asia Arena.

Ang kabiguan ng Jordan, sumegunda sa China sa 2011 FIBA-Asia sa Wuhan, ay nangangahulugan na lamang ng kanilang paglaban para sa ranking.

Sinabi ni Al Sous na ibang Jordan team na ang ku­mampanya ngayong taon.

“There is a big diffe­rence now between basketball in Iran and basketball  in Jordan. We are trying to solve this problem but I guess it’s getting bigger and bigger,” wika nito.

Ikinumpara naman ni Jordan coach Evangelos Alexandris ng Greece ang kanilang programa sa Iran.

“In the Iranian league they put a lot of money and they have strong teams. So, I hope this message for the people of Jordan. I hope they can get the message and try to solve the problem in basketball  in Jordan,” sabi ni Alexandris.

Laban sa Iran, hindi na­kitaan ng tsansang manalo ang Jordanians.

Mula umpisa ay hindi sila nakalamang sa Ira­nians. Nagposte ang Iran ng isang 44-point lead laban sa Jordan.

Show comments