MANILA, Philippines - Dalawang laban ang posibleng harapin ni Ana Julaton sa susunod na dalawang buwan.
Tinaguriang ‘Hurricane’, ang 33-anyos Fil-American boxer ay nakatakdang sumagupa kay Celina SaÂlazar sa Agosto 18 sa Plaza de Toros sa Cancun, Mexico.
Kung manalo si Julaton, binabalak na ilaban siya kontra kay Yazmin Rivas para sa IBF bantamweight title. Ang title fight na ito ay balak ilagay bilang isa sa mga undercards sa laban nina Floyd Mayweather Jr. at Canelo Alvarez sa Setyembre 15 sa MGM Grand Arena.
May 12 panalo, 3 talo at isang tabla ang karta ni Julaton at kung manalo pa kay Salazar ay maililista niya ang ikatlong dikit na tagumpay matapos yumukod kay Yesica Patricia Marcos ng Argentina para sa WBO female super bantamweight title.
Hindi naman inaalis ni Julaton ang kanyang focus sa magaganap na laban pero nasasabik siya kung totoo na mapapalaban siya kay Rivas na undercard sa tagisan nina Mayweather at Canelo.
“There’s no laid out plan; you can’t wait around for something to happen. If there’s a fight for you to take that can elevate you, ready or not, you have to take it,†wika ni Julaton na ipinagmamalaki ang pagiÂging isang Pinay at patuloy na lumalaban para buhayin din ang women’s boxing.
Binubugbog niya ang kanyang sarili sa gym para maihanda nang husto sa laban kontra kay Salazar at masundan ang first round knockout laban kay Abigail Ramos.
Umabot lamang ng 19 segundo ang laban na ito na ginawa sa Yucatan, Mexico noong Agosto 3, 2012 para maituring bilang pinakamadaling laban na nangyari sa kasaysayan ng boxing sa nasabing lugar.
Nananalig din siya na patuloy niyang makukuha ang suporta ng mga tagahanga lalo na ang mga Pinoy na kanyang kinakataÂwan sa bawat laban.