MANILA, Philippines - Hindi inalintana ng ConÂgress-LGU ang kawalan ng practice bago sumabak sa laro sa 1st UNTV Cup nang pataubin ang Judiciary, 99-95, noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang celebrity na si Ervic Vijandre ay gumawa ng tournament high na 38 puntos at siyang kumamada ng mga mahahalagang buslo para maisantabi ang maÂlakas na hamon ng Judiciary na binalikat nina ex-PBA player Don Camaso, Ariel Capus at celebrity John Hall.
“Ngayon lamang kami nagkasama-sama at ito ang unang practice game at actual game namin. Ang ginawa lamang namin ay sinikap na maging close game para may tsansa na manalo sa huli,†wika ng dating PBA at playing coach ng Congress-LGU na si Gerry Esplana.
Nakalayo na ang kopoÂnan sa 12 puntos, 70-58, pero nakabalikwas ang Judiciary ng hanggang daÂlawang puntos, 97-95, sa pagtutulungan nina CaÂmaso, Capus at Hall.
Ngunit minalas naman sina Camaso at Hall na suÂmablay sa pinakawalang tres habang sina CIBAC Partylist Congressman Sherwin Tugna at Vijandre ay tumugon sa magkasunod na split sa 15-footline tungo sa unang panalo sa pitong team na liga na inorÂganisa ng Breakthrough and Milestones Production International (BMPI) na pinamumunuan ni Chairman at CEO Daniel Razon.
Sumalo rin sa lideratong naunang tangan ng Armed Forces of the PhiÂlippines (AFP) ang mga koponan ng Philippine National Police at PhilHealth na nagwagi sa magkahiwalay na laro.