Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2:30 p.m. DOJ vs PhilHealth
4:00 p.m. PNP vs MMDA
5:30 p.m. Judiciary vs Congress/LGU
MANILA, Philippines - Dinurog ng Armed ForÂcÂes of the Philippines (AFP) ang Department of Justice, 117-71, para katampukan ang pagsisimula ng 1st UNTV Cup kamakailan sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Limang manlalaro ng AFP ang umiskor ng 10 puntos pataas para sa balanseng pag-atake upang hawakan ang maagang liderato sa pitong koponang liga na inorganisa ng Breakthrough and Milestones Production International (BMPI).
Bumandera si Winston Sergio sa kanyang 25 puntos at 11 dito ay ginawa sa unang yugto para bigyan ang Cavaliers ng 33-16 kalamangan..
Isang simpleng opeÂning ceremony ang unang isinagawa at sa taped message ni Ang Dating DaÂan founder Eliseo F. Soriano, kanyang pinasalaÂmatan ang mga sumali dahil ang mga teams na ito ang magbibigay katiyakan na magiging matagumpay ang unang edisyon.
Layunin ng torneong ito na gagawin lamang tuÂÂwing Linggo ang maÂbigyan ng pagkakataon ang mga public servants na maipakita ang talento sa pagba-basketball at makatulong din sa kanilang papangalanang charitable institution.
“Ito lamang ang liga na may ganitong adhikain. Ang mananalo ay magkakamit ng P1 milyon habang P500,000.00 ang mapapanalunan ng papangalawa at ang perang ito ay ibibigay sa kanilang paboritong charitable institution,†wika ni Daniel Razon na siyang CEO at Chairman ng BMPI.