^

PSN Palaro

Ipinagpag ang DOJ sa 1st UNTV Cup: AFP nanalasa agad

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2:30 p.m. DOJ vs PhilHealth

4:00 p.m. PNP vs MMDA

5:30 p.m. Judiciary vs Congress/LGU

 

MANILA, Philippines - Dinurog ng Armed For­c­es of the Philippines (AFP) ang Department of Justice, 117-71, para katampukan ang pagsisimula ng 1st UNTV Cup kamakailan sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Limang manlalaro ng AFP ang umiskor ng 10 puntos pataas para sa balanseng pag-atake upang hawakan ang maagang liderato sa pitong koponang liga na inorganisa ng Breakthrough and Milestones Production International (BMPI).

Bumandera si Winston Sergio sa kanyang 25 puntos at 11 dito ay ginawa sa unang yugto para bigyan ang Cavaliers ng 33-16 kalamangan..

Isang simpleng ope­ning ceremony ang unang isinagawa at sa taped message ni  Ang Dating Da­an founder Eliseo F. Soriano, kanyang pinasala­matan ang mga sumali dahil ang mga teams na ito ang magbibigay katiyakan na magiging matagumpay ang unang edisyon.

Layunin ng torneong ito na gagawin lamang tu­­wing Linggo ang ma­bigyan ng pagkakataon ang mga public servants na maipakita ang talento sa pagba-basketball at makatulong din sa kanilang papangalanang charitable institution.

“Ito lamang ang liga na may ganitong adhikain. Ang mananalo ay magkakamit ng P1 milyon habang P500,000.00 ang mapapanalunan ng papangalawa at ang perang ito ay ibibigay sa kanilang paboritong charitable institution,” wika ni Daniel Razon na siyang CEO at Chairman ng BMPI.

ANG DATING DA

ARMED FOR

BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRODUCTION INTERNATIONAL

DANIEL RAZON

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELISEO F

LARO NGAYON

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with