MANILA, Philippines - Aminado si coach EvaÂngelos Alexandris ng Jordan na malaki ang epekto ng kanilang 87-91 kabiguan sa Chinese-Taipei sa pagharap nila sa Gilas Pilipinas ngayong alas-8:30 ng gabi.
“It will be a very, very strong team for us,†wika ni Alexandris sa pamamagitan ng interpreter.
“Philippines are really a good team. This team will have the crowd supporting them. It will be difficult.â€
Sa kanilang pagkatalo sa Chinese-Taipei, lumamang ang Jordan sa third period, 67-65, bago kumulapso sa fourth quarter.
Umiskor ang bagong naturalized player ng Jordan na si Jimmy Baxter ng 30 points, habang may 18 si Wesam Al-Sous at 10 ni Mahmoud Abdeen.
Ang Jordan ang runner-up sa nakaraang FIBA-Asia Championship noong 2011 sa Wuhan, China.
Ngunit ngayong taon ay wala na sa line-up ng JorÂdan sina Sam Daghlas, Zaid Abbas at naturalized player Rasheim Wright.
May 1-1 record ang mga Gilas sa kanilang daÂlawang beses na paghaharap ng Jordan sa Wuhan meet.