Korea niyanig ang China
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. China vs Malaysia
1:15 p.m. Chinese-Taipei vs Saudi Arabia
3:30 p.m. Japan vs Hong Kong
5:45 p.m. Korea vs Iran
8:30 p.m. Gilas vs Jordan
10:30 p.m. Thailand vs India
(Ninoy Aquino Stadium)
6 p.m. Kazakhstan vs Bahrain
MANILA, Philippines - Ipinalasap ng Korea ang unang kabiguan ng nagdedepensang China sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships matapos kunin ang 63-59 panalo kaÂgabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Mula sa 55-52 abante ng China sa 2:22 ng fourth quarter ay umiskor si Kim Joo-Sung ng isang three-point play laban kay Liu Xiaoyu kasunod ang dalawang free throws ni Yang Donggeun para ibigay sa Korea ang 57-55 abante sa huling 1:17.
Nakatabla ang China sa 57-57 buhat sa dalawang free throws ni Zhu Fangyu sa nalalabing 40.5 segundo bago isalpak ni Cho Sungmin ang kanyang apat na charities na muling naglayo sa Korea sa 61-57 sa huling 21.5 segundo.
Huling nakadikit ang China sa 59-61 matapos ang basket ni Liu sa natitirang 16.5 segundo hanggang selyuhan ni Donggeun ang tagumpay ng Korea mula sa kanyang dalawang free throws sa huling 13.8 segundo.
“We will try to regroup and see what was our mistakes,†sabi ni Greek head coach Panagiotis Giannakis sa China.
Samantala, kaagad na nagparamdam ng kanilang lakas ang two-time champions Iran matapos ilampaso ang Malaysia, 115-25, sa kanilang kampanya sa Group C.
Kinuha ng Iran ang 42-3 abante laban sa first period at hindi na nilingon pa ang Malayasia patungo sa kanilang 90-point win.
Umiskor si dating NBA player Hamed Haddadi ng 21 points mula sa kanyang 8-of-9 fieldgoal shooting bukod pa sa 8 rebounds sa loob ng 13 minuto.
Lumamang ang Malaysia sa scoring sa second quarter, 16-10, bago muling kumamada ang Iran sa pagpoposte ng 33 markers sa kabuuan ng third period kumpara sa 2 points ng Malaysia.
Dinomina ng mga Iranians ang Malaysians sa rebounding, 47-22, bukod pa sa assists, 31-6.
Nilusutan naman ng Qatar ang Japan, 75-74, tampok ang 20 points ni naturalized Jarvis Hayes kasunod ang 14 ni Erfan Ali Saeed at 12 ni Yasseen Musa.
Korea 63 – Kim Joo-Sung 15, Cho Sungmin 12, Yang Donggeun 11, Kim Sunhyung 9, Lee Seung Jun 6, Kim Tae-Sool 3, Moon Seonggon 2, Kim Jongkyu 2, Choi Junyong 2, Lee Jonghyun 1.
China 59 – Yi Jianlian 23, Zhou Peng 8, Liu Xiaoyu 6, Wang Zhelin 5, Wang Zhizhi 4, Zhu Fangyu 4, Guo Ailun 2, Chen Jianghua 2, Sun Yue 2, Zhang Bo 2, Wang Shipeng 1.
Quarterscores: 13-15; 29-31; 46-42; 63-59.
Hangad ng Iran na makapasok sa finals matapos mapatalsik sa quartefinals noong 2011 sa Wuhan, China.
- Latest