MANILA, Philippines - Ibinasura ng UAAP ang apela ng University of the Philippines para bawiin ang nauna nitong desisyon hinggil sa paglabag ni juniors basketball player Jozhua Mcdaniel General sa maximum years na ibinigay sa isang high school player.
Inihayag ng UAAP Board ang kanilang desisÂyon noong Martes matapos ang isang emergency meeting sa Casino Espanol sa Manila.
Pinanindigan ng UAAP ang pagdedeklara kay General na isang ineligible player sa season 76.
“The UAAP Board of Trustees upheld its decision to declare Mr. General as ineligible to play starting UAAP Season 76, for exceeding the allowed maximum years in high school reckoned from the earliest date of graduation from elementary,†sabi ni UAAP president Fr. Max Rendon, CM, ng host Adamson.
Ang nasabing one-page letter ay para kina UP chancellor Dr. Caesar Saloma at board representative Ronualdo Dizer.
Dahil dito, binawi ng UAAP ang nag-iisang panalo ng Junior Maroons.
Kinuha ng koponan ang isang 89-87 quadruple overtime win laban sa Adamson Junior Falcons noong Hulyo 15.
“The Board also upheld its decision to forfeit all games played by the UP junior basketball team where Mr. General played for UAAP Season 76, ani Rendon.