MANILA, Philippines - Binigyan ng Philippine Olympic Committee ng pagkakataon ang mga baÂtang manlalaro na nasa deÂvelopmental pool na maisama sa Pambansang delegasyon na lalaro sa Myanmar SEA Games.
Sa suhestiyon ni POC chairman Tom Carrasco Jr. na sinang-ayunan ng pangulong si Jose Cojuangco Jr., ang mga NSAs na may magagandang programa lalo na sa mga batang atleta ay mabibigyan ng pagkakataon na magnombra ng isang lalaki at isang babaeng atleta na ipadadala sa SEA Games.
“Ginawa ko ito noong 2002 sa Busan Asian GaÂmes bilang Chief of MisÂsion para mabigyan ang mga nasa developmental pool ng pagkakataon na makalaro sa malaking torneo na magagamit nila para humusay sila,†wika ni Carrasco matapos ipaalam ang hakbang sa POC GeÂneral Assembly kahapon sa Manila Golf Club sa Makati City.
Kailangang ipakita rin ng mga NSAs na tunay na may potensyal ang mga inirerekomendang batang atleta sa Task Force SEA Games bago masama rin sa delegasyon.
“Ito ay para lamang sa mga batang atleta na siguro edad 23-under at hindi ito puwede sa mga matatandang atleta. Iyong mga NSAs na kasama na ay puwede pa ring mag-nominate ng kanilang dalawang developmental athletes basta ma-justify nila,†ani pa ni Carrasco.
Samantala, inanunsyo rin sa pagpupulong sa mga NSAs na ang basehan para masama ang kaÂnilang mga elite athletes at magsisimula sa naipakita mula 2011 SEA Games sa Palembang, Indonesia hanggang sa kasalukuyan.
May mga atletang may magandang ipinakikita sa mga bagong torneong nilaÂlakuhan kaya’t nararapat lamang na isama ito bilang basehan sa kanilang pagpasok sa Pambansang koÂponan.
“Noong kasi sinasabi lamang na potential gold medalists ang mga atletang masasama pero very geÂneral ito. Ngayon ay basehan na sila para sa kanilang justification na performance mula 2011 hanggang ngaÂyon. Masyado na ring maÂtagal kung Palembang SEA Games lamang ang basehan dahil dalawang taon na itong nangyari,†ani pa ni Carrasco.
Ang one-on-one meeÂting ng Task Force ay gaÂgawin mula Agosto 5 hanggang 7 at inaasahang matapos nito ay gagawa ng ulat ang TF sa kung sino ang puwedeng ipadala sa Myanmar.