Ex-NBA na si Wang ibabandera ng China
MANILA, Philippines - Halos 18 taon na ang nakararaan nang maglaro si Wang Zhizhi para sa China sa harap ng mga Filipino fans noong 1995 Asian Juniors Championships na idinaos sa Manila.
Nagbalik ang 36-anyos na si Wang sa bansa para tulungan ang China na maidepensa ang kampeoÂnato sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
“It was a long time ago, almost 18 years. I have a lot of Filipino friends in here. Thanks to the Filipino fans,†wika ni Wang, muling kinuha ng China para sa nasabing Asian tournament.
Ang 6-foot-11 na si Wang ay ang 36th overall pick ng Dallas Mavericks sa 1999 NBA Draft at nakapagÂlaro para sa Los Angeles Clippers (2002-2003) at Miami Heat (2003-2005).
Bahagi si Wang ng Chinese team na kumuha ng mga gintong medalya sa FIBA-Asia Championships noong 1999 sa Fukuoka, Japan at noong 2011 sa Wuhan, China.
Miyembro rin ang two-time Olympian na si Wang ng koponang suÂmikwat ng ginto sa Asian Games noong 1998 (BuÂsan,Korea), 2006 (Doha, Qatar) at 2011 (Guangzhou, China).
Sinabi ni Wang na ito na ang huling pagkakataon na maglalaro siya sa FIBA-Asia Championships.
- Latest