MANILA, Philippines - Isinantabi ang alitan sa hanay ng mga horse owÂners at Philippine Racing Commission upang maÂayos na maisagawa ang 5th Mayor Ramon BagatÂsing Memorial Cup sa Agosto 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Matatandaan na nagkaroon ng problema ang magkabilang panig at nais nilang paalisin ang nakaÂupong chairman na si Angel Castano Jr. dahil umano sa korupsyon.
“Sponsor namin ang Philracom at dapat na magtulungan muna kami. Ang problemang iyan ay saka na natin pag-usapan,†wika ni Atty. Ramon Bagatsing nang humarap sa PSA FoÂrum kasama ang mga marketing officers ng Manila Jockey Club Inc. na sina Nathan Maso at Cecil Villanueva.
Ang Bagatsing Cup ay para gunitain ang ika-97th kaarawan ng dating Manila Mayor na kilala rin sa pagmamahal sa horse racing.
Tulad sa mga nagdaang edisyon, magkakaroon ng dalawang dibisyon ang karera at ang Division I ay para sa mga kabaÂyong edad apat na taon pataas na maglalaban sa 1,700-metro distansya at sinahugan ng P700,000.00 gantimpala habang para sa mga imported horses ang Division II na gagawin sa 1,400-metro at may P400,000.00 premyo.
Pasisiglahin pa ang pisÂta sa paglarga ng PCSO Grand Derby para sa mga kabayong sumali sa Sweepstakes races habang ang Philracom ay magdaraos din ng hiwalay na karera tulad ng ibang sponsors na Resorts World Manila, Solaire Resort and Casino at Tiger Resort.