MANILA, Philippines - Angkop ang pagtitiwaÂlang ibinibigay ni Letran coach Caloy Garcia kay Mark Cruz matapos niyang suklian ito ng pagbibigay ng liderato sa koponan para haÂwakan ang kahanga-haÂngang 7-0 karta sa 89th NCAA men’s basketball.
Dalawang sunod na 20 puntos mahigit na ang ginawa ni Cruz para talunin ng Letran ang Arellano at Mapua upang patuloy na hawakan ang liderato sa 10-koponang liga.
“Mark knows what his role is with the team. He has really stepped up his game this season,†wika ni Garcia.
Ang dating back-up guard nina Kevin Alas at Franz Dysam ay nagtala ng 25 puntos nang kunin ng Knights ang 67-57 panalo sa Arellano noong Sabado.
Noong Lunes ay bumalik sa aksyon ang Letran at dito ipinakita ni Cruz ang pinakamagandang laro ngayong taon.
May 22 puntos mula sa 10-of-17 shooting si Cruz bukod pa sa paghablot ng 10 rebounds at naghatid ng limang assists at apat na steals sa 29 minutong paglalaro para pamunuan ang 87-68 panalo sa Mapua.
“Sinabihan ako ni Franz na ipagpatuloy ko ang magandang laro ko kaya na-inspire ako sa mga sinabi niya,†wika ng 21-anyos na management major na si Cruz.
Si Dysam ay nagpapaÂgaling pa sa ospital maÂtapos mabaril ng dalawang di kilalang salarin.
Sa magandang laro ni Cruz, siya ang ginawaran ng mga mamamahayag na kumokober ng laro bilang ACCEL/3XVI-Player of the Week honor na suportado rin ng Gatorade.
Ang mga tinalo ni Cruz sa lingguhang parangal ay sina Jordan dela Paz ng Jose Rizal University at Baser Amer ng three-time defending champion San Beda.