MANILA, Philippines - Hindi inendorso ng SaÂmahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagsali ng women’s basketball team para sa Myanmar SEA GaÂmes.
Ayon kay POC-PSC Task Force member Romy Magat, nakausap na niya ang pamunuan ng woÂmen’s team at sinabihang kausapin ang liderato ng SBP para masama sila sa naunang ibinigay na entry-by-number.
“But so far, wala kaming nakuhang reaksyon sa SBP. No request so no action required,†wika ni Magat.
Naghahabol ang woÂmen’s team na masama sa Pambansang delegasyon dahil sila ay silver medalist noong 2011 SEA Games at naniniwala si coach Haydee Ong na makukuha na nila ang ginto sa pagkakataong ito.
Ikinatuwiran ni Ong na nabiktima sila ng masamang officiating sa laro laban sa Thailand na kanilang naisuko para maibigay ang ginto sa kalaban.
Pero isang source sa SBP ang umamin na talaÂgang hindi inendorso ng asosasyon ang women’s team dahil hindi sila nagsaÂgawa ng open tryouts para maipakita na ang koponan ay binubuo ng pinakamahuÂhusay na manlalaro sa bansa.
“May mga magagaling na manlalaro sa UAAP pero bakit hindi nila ito isinama sa team at pinipilit ang mga kasapi ng 2011 team. Muntik silang nanalo noon pero hindi mo masasabi na mananalo sila ngayon dahil dalawang taon na ang nakalipas,†paliwanag ng impormante.
Ang pagtiyak na ang pinakamahuhusay na manlalaro sa kababaihan ang bubuo sa National team ang itinutulak ng SBP bilang pagtalima rin sa kautusan ng POC na tiyaking gold medal potential ang bubuo sa Pambansang delegasyon.