MANILA, Philippines - Tiniyak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang kaligtasan ng mga bansang lalahok sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships, kasama na ang Gilas Pilipinas II, na nakatakda sa Agosto 1-11.
Sinabi ni SBP treasurer Dr. Jay Adalem na nakipag-usap na sila sa Philippine National Police para sa seguridad ng mga partisipante sa naturang torneo na lalaruin sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
“We have coordinated everything with the PNP from the route na dadaaÂnan (ng participating teams) from their hotel to the plaÂying venue and back,†wika ni Adalem.
Ayon pa sa SBP official, sadyang pinili nilang kumuha ng mas malapit na mga hotel.
“Kaya nga `yung ating mga hotels na ginamit ay malapit lang dito sa MOA and pati na sa Ninoy Aquino Stadium,†ani Adalem.
Noong 1978 ay tumaÂyong punung-abala ang bansa sa naturang torneo na pinagharian ng National team na kinabibilangan nina Robert Jaworski, Ramon Fernandez at Bogs Adornado.
Sinabi pa ni Adalem, ang chairman ng National Athletic Association of Schools, Colleges, and UniÂversities (NAASCU), na hindi nila hahayaang maulit ang nangyaring pananambang kay Letran college point guard Franz Dysam at sa nasawi nitong nobyang si Joanne Sordan.
Dalawa hanggang tatlong pulis ang sasama sa mga players sa bawat bus sa hangaring matiyak ang kanilang seguridad.