MANILA, Philippines - Muntik na siyang hindi makasali sa Manila leg ng 37th National MILO Marathon dahil sa pagkaubos ng race number mula sa malaking bilang ng mga mananakbong nagpalista.
Ngunit sa tulong ng isang ‘anghel’ ay nakakuha si Luisa Raterta ng race number dalawang linggo bago ang karera.
“Actually, wala talaga akong nakuhang race number kasi masyadong maraming nagpa-register sa 42K,†litanya ng 32-anÂyos na tubong Sta. Rosa, Laguna. “Mabuti na lang may isang tao sa MILO na nagbigay sa akin ng chance para maka-join. Nakiusap lang talaga ako na makasali.â€
Kabuuang 2,530 runners ang nagpalista sa 42K, habang 30,184 sa 5K, 4,000 sa 21K, 3,584 sa 10K at 1,906 sa 3K para sa kabuuang 42,214 bilang na isa nang record sa MILO Marathon.
Sa kanyang pagtakbo ay hindi na naisip ni Raterta ang kanyang pinagdaanan.
Nakipagpalitan siya sa unahan kay Jennylyn Nobleza ng Iloilo mula sa umpisa hanggang sumapit sa Makati.
“Nu’ng isang kilometro na ang layo niya sa akin, sabi ko masaya na ako kung papangalawa na lang ako sa kanya at hindi na ako maghahabol. Pero nu’ng makita ko siya na nakahawak sa baywang niya sa Makati area, medyo nag-iba na ako ng phaÂsing,†ani Raterta.
At nang maagaw ang unahan ay hindi na ito binitawan pa ng dating National duathlon athlete.
Itinala ni Raterta ang bilis na 03:14:17.77 para talunin sina Nobleza (03:37:27.77) at Geralden Sealza (03:32:40.76).
Ang kanyang nakamit na premyong P50,000 ay ilalaan niya sa pambayad sa hinuhulugang house and lot sa Lakeville sa Sta. Rosa, Laguna at ang matitira ay para sa pag-aaral ng kanyang tatlong anak na babae.
“Kulang pa ako ng P200,000 sa hulog ko sa bahay. Hopefully, makuha na namin ‘yung bahay this year,†ani Raterta sa kanyang hinuhulugang house and lot na nagkakahalaga ng P700,000.
Pinagharian naman ni Eric Panique ang men’s class mula sa kanyang tiÂyempong 02:30:20.51 para angkinin ang premyong P50,000 kasunod sina Irineo Raquin (02:30:20.73) at Jeson Agravante (02:41:55.78).
Sa men’s 21K, nagposte naman si Richard Salano ng bilis na 01:14:36 para pangunahan ang men’s division, habang nagreyna si Monica Torres sa women’s class mula sa kanyang 01:29:57.
Namayani sina Kenyan runners Benjamin Kipkasi at Joan Ayabei sa men’s at women’s 10K mula sa kanilang mga oras na 00:32:14 at at 00:38:12, ayon sa pagkakasunod.
Sa 5K, nagsumite si Dancel Agustin ng San Diego Elementary School ng bilis na 00:09:04 para sa kanyang panalo, samantalang naglista si Jessa Mae Jaromay ng Manggahan High School ng 00:19:39.