MANILA, Philippines - Nabigo si Filipino mandatory challenger Milan Melindo na maiganti ang kanyang kababayang si Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria pati na ang maagaw kay Juan Francisco Estrada ng Mexico ang mga suot nitong korona.
Natalo si Melindo kay Estrada via unanimous deÂcision noong Sabado ng gabi sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau, China.
Kumolekta ang 23-anÂyos na si Estrada (25-2-0, 18 KOs) ng 118-109 points kay Rafael Santos, 117-109 mula kay Takeshi Shimakawa at 118-109 buhat kay Zoltan Enyedi.
Napanatiling hawak ni Estrada ang kanyang mga suot na World Boxing Association at World Boxing Organization flyweight titles.
Ang WBO belt ni EstraÂda ay nanggaling kay Viloria na kanyang tinalo noong Abril.
Ginamit ni Estrada ang mas mahaba niyang galaÂmay para iwanan ng mga suntok si Melindo na kanyang naputukan sa ilalim ng kaliwang mata sa sixth round at nasugatan sa labi sa seventh round.
Nirapido ni Estrada si Melindo sa round 11 na ikinabagsak nito.
Sa iba pang laban, pinatulog ni Genesis “Azukal†Servania (22-0-0, 8 KOs) si dating world title challenger Konosuke Tomiyama (23-6-1, 8 KOs) sa ninth round para mapanatiling suot ang WBO Asia Pacific super bantamweight belt.
Pinabagsak ni bantamweight Dave Peñalosa (7-0-0, 5 KOs), ang anak ni dating world two-division champion Dodie Boy PeñaÂlosa, si Thai boxer Ngaotawa Sithsaithong (10-11-1, 5 KOs) sa 0:45 sa third round.