Army, Cignal magpapatayan para sa titulo

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

1 p.m.  PLDT-MyDSL

vs PCSO Bingo Milyonaryo

3 p.m.   Cagayan Valley vs Petron

5 p.m. TMS-Philippine Army vs Cignal

7 p.m.  Awarding ceremonies

 

 

MANILA, Philippines - Itataya na ng TMS-Ar­my ang ilang buwang pre­paras­yon sa larong ito.

Magkakasukatan ang Lady Troopers at Cignal sa one-game finals para madetermina kung sino ang hihiranging kauna-unahang kampeon sa Philippine Super Liga sa pagtatapos ng torneo ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dakong alas-5 ng hapon magsisimula ang tagisan sa pagitan ng dalawang ko­ponan na naiwang naka­tayo mula sa anim na sumali sa palarong inorganisa ng SportsCore at may ayuda pa ng Solar Sports, Mikasa, Asics, PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.

Magkakaroon ng ak­syon sa ganap na ala-1 ng hapon sa pagtutuos ng PLDT-MyDSL at Bingo Mil­yonaryo para sa ikalimang pu­westo bago sumunod ang bakbakan ng Lady Ri­sing Suns at Lady Blaze Boosters dakong alas-3 para sa ikatlong puwesto

Ang paggawad ng tro­peo sa hihiranging kampeon at mga individual awards ay magsisimula dakong alas-7 ng gabi

Pinalawig ng tropa ni coach Rico De Guzman ang pagpapanalo sa limang diretso nang lusutan ang Cagayan Valley, 25-22, 25-22, 25-27, 10-25, 15-13, panalo sa semis noong Biyernes.

Sa kabilang banda, ang HD Spikers ay may mas ma­daling 25-20, 25-20, 25-23, tagumpay sa Petron sa isa pang laro.

“Nasukat ang determinasyon at puso ng mga players sa huling laro. Pero hindi kami puwedeng magkumpiyansa na kakayanin namin ang Cignal dahil kailangan naming i-push ang aming sarili para ilabas pa ang lahat ng makakaya. Sa Finals, ang nananalo ay ang team na gustong  mag-champion,” wika ni de Guzman.

 

Show comments