MANILA, Philippines - Magarang panimula ang kinuha nina Janine MarÂciano at Frances Molina ng San Beda nang maipanalo ang unang dalawang laro sa pagbubukas ng 3rd leg ng 2013 Petron Ladies’ Beach Volley kahapon sa sandcourts ng UE-Caloocan.
Inilampaso nina Marciano at Molina ang pambato ng host school na sina LeuÂseth Dawis at Chelo Ramos, 21-9, bago isinunod ang tambalan nina Carissa Martinez at Mary Paz Soteco ng Trinity, 21-19, para pangunahan ang Group B sa ligang may suporta ng Petron at Mikasa Balls.
Nakuha naman nina Samantha Dawson at Bernadette Pons ang unang panalo sa Group B sa 21-9 tagumpay laban kina Naomi Otoshi at Jona Abueg ng PSBA.
Bumawi naman ang isang koponan pa ng UE na binuo nina Jessica Paron at Krycel Cueva sa 21-9 panalo kina Naomi Otoshi at Jona Abueg ng PSBA sa Group A. Nanaig din sina Iari Yongco at Mariel Desengano ng La Salle-Dasmariñas kina Sheila Fajardo at Jasmine Dario ng AMA Computer, 21-15, para sa unang panalo sa UE.
Hindi naman nagtagal at nakuha rin nina Fajardo at Dario ang unang panalo matapos ang dalawang laro nang padapain ang Letran spikers na sina Jan Carreon at Queenie Mon-dejar, 23-21.
Si UE-Caloocan chancellor Zosimo M. Battad ang tumayong panauÂhing pandangal bukod kay Lionel Dee, international communications officer ng Petron Corporate Affairs Department sa opening.