MANILA, Philippines - Pakakawalan ang NBA 3X Philippines 2013 ngaÂyong alas-3 ng hapon sa Music Hall ng SM Mall of Asia tampok ang Indiana Pacemates.
Dadalo sa naturang okasyon sina NBA players James Harden ng Houston Rockets at Eric Gordon ng New Orleans Pelicans kasama ang Pacemates at si Grizz, ang mascot ng Memphis Grizzlies.
Pinuri naman ni Carlo Singson, ang NBA Country Manager to the Philippines Asia, ang kasabikan ng mga NBA 3X local streetballers at Pinoy basketball fans.
Idinagdag pa niyang isa ang Pilipinas sa 14 bansa na makakaranas ng NBA 3X ngayong taon.
Ang NBA 3X sa Southeast Asia ay inilunsad sa MaÂnila noong 2011.
Ang NBA 3X Philippines 2013 na inihahandog ng Sprite ay magtatampok sa isang 3-on-3 tournament.
Kamakailan ay naghari sina Pinoy streetballers Kobe Paras, Thirdy RaÂvena, Arvin Tolentino at Rashleigh Rivero sa FIBA Asia U18 3-on-3 chamÂpionships.
Ang pitong dibisyon sa torneo ay ang boys’ U13 (10-12 years old), U16 (13-15 years old), U18 (16-17 years old) at Open Division (18 years old and above), ang girls’ U16 (13-15 years old), U18 (16-17 years old) at Open Category (18 years old and above) bukod pa sa isang Celebrity Division kasama ang mga media at entertainment personalities.