MANILA, Philippines - Hihintayin ni PSC chairman Ricardo Garcia ang komunikasyon mula sa Myanmar SEA Games organi-zing committee patungkol sa pagbabago ng petsa para isumite ang entry-by-names.
Sa panayam kahapon kay Garcia, nagulat siya sa deÂsisyon na iurong mula sa Oktubre ang deadline ng entry-by-names tungo sa Setyembre 15 dahil nagsasagawa pa ng pagpipili ang bansa ng atletang kanilang ipadadala sa SEA Games sa Disyembre sa Myanmar.
“Bakit nagkaganito? Mayroon ba talagang naunang deadline na ibinigay ang Myanmar na October at tinatanong ko rin si Chief of Mission Jeff Tamayo pero hindi rin niya masagot,†wika ni Garcia.
Si Tamayo ay lumiham na sa organizing committee upang hingian ng paliwanag ito sa bagong development.
“Antayin ko muna ang kanilang paliwanag baka naman nagkamali tayo. Pero kung sila ang biglang nagbago ng deadline, masama ang kutob ko diyan,†ani pa ni Garcia.
Nauna nang nagpahayag ng ‘di magandang pana-nalita hindi lamang ang PSC kundi pati si POC president Jose Cojuangco Jr. na dehado ang laban ng Pilipinas sa Myanmar matapos alisin ang mga sports na malakas ang bansa at padamihin ang mga larong pabor sa host country.
Dahil dito, ang Pilipinas ay nagbabalak na magpadala ng maliit na bilang ng manlalaro na hindi umano lalampas sa 200 ang bilang na mga gold medal potensyal para makatipid sa gastusin lalo pa’t naniniwala sina Garcia at Cojuangco na hanggang ikapitong puwesto lamang ang magiging pinakamagandang pagtatapos na matatamo ng bansa.
Samantala, inilabas na rin ang numero ng bilang ng delegasyon ng mga kasaling bansa sa SEA Games at ang Indonesia ang may pinakamalaking bilang na 838 athletes.
Ang Thailand ang pumapangalawa sa 827 kasunod ng Malaysia (695), Vietnam (693), Singapore (550), Pilipinas (446), Laos (338), Cambodia (277) at Brunei (188).
Ang numero na ibinigay ng Pilipinas ay sakaling makapasa sa criteria ang mga naghahabol na National Sports Association habang wala naman sa talaan ang host Myanmar na tiyak na magsasali ng pinakamaraÂming atleta sa puntiryang makaahon mula sa ikapitong puwesto mula sa 2011 Indonesia SEA Games.