China pinalakas pa ang lineup sa FIBA-Asia
MANILA, Philippines - Gumawa ng malaking hakbang ang China sa kanilang 12-man lineup para sa 27th FIBA Asia Championship matapos ipasok sina veterans Wang Zhizhi at Zhu Fangyu at si playmaker Guo Ailun bilang kapalit nina guards Han Shuo at Liu Wei at center Li Muhao.
Wala namang seryosong injury si Chinese star Yi Jianlian.
“He is recovering rather quickly and will be ready to join when we fly to Manila,†sabi sa ulat ng fibaasia.net.
Ipinasok ng China sa kanilang koponan sina Wang, Zhu at Guo sa kabila ng haharaping cash penalty sa ilalim ng FIBA rules.
Ang mga huling minutong pagbabago sa team lineups ay maaaring gawin sa team managers’ meeting isang araw bago ang kompetisyon.
Nagdomina sa gitna sina Wang Zhizhi, Wang Zhelin at Li Xiaoxu sa paggiba sa bisitang New Zealand National team, 79-67, noong Miyerkules sa una sa kanilang two-game series sa Taiyuan, China.
Nakatakda pang maglaban ang Chinese at ang Tall Blacks, kapwa regular sa world competition, kagabi sa Luoyang.
Pinabalik naman sina Han, Liu, Li at Yi sa kanilang home camp sa Beijing.
Sina Yi at Wang ang naÂging ‘Twin Tower’ ng Chinese sa kanilang pag-angkin sa FIBA Asia Championship sa Wuhan noong 2011.
Nauna nang nagdesisyon si Greek coach Panagiotis Giannakis na alisin si Wang sa kanyang 12-man lineup, ngunit isinama din dahil sa injury ni Li.
Ang 36-anyos na si Wang ang unang Chinese na nakapaglaro sa NBA bilang 36th pick ng Dallas MaÂvericks noong 1999 draft.
- Latest