3 malalaking sports tatalakayin sa SCOOP
MANILA, Philippines - Paglahok ng Pilipinas sa tatlong malalaking komÂpetisyon sa labas ng bansa ang pag-uusapan sa SCOOP sa Kamayan ngayon sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.
Si Nathaniel “Tac†Padilla na chief of mission ng Pambansang delegasyon para sa Asian Youth GaÂmes mula Agosto 16 hanggang 24 sa Nanjing, China ang mangunguna sa sesÂyon.
Darating din sina NCFP president Prospero Pichay at executive director Jayson Gonzales para pag-usapan ang World Cup of Chess sa Tromso, Norway sa Disyembre 9 at lalahukan nina GMs Wesley So, Mark Paragua at Oliver Barbosa.
Inimbitahan din si Iloilo Province coach Rey Fuentes para ibigay ang mga bagong balita sa papaalis na Major League (11-12) at Junior League (13-14) na tutungo sa US para sumali sa World Series.
Ang mga opisyales ng National Capital Region-State College and Universities Athletic Association (NCR-SCUAA) ay darating din para sa regional meet mula Disyembre 1- 6.
- Latest