Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
4 p.m. Letran vs Arellano
6 p.m. Lyceum
vs St. Benilde
MANILA, Philippines - Mula ngayon ay iaalay ng Knights ang kanilang mga laro para sa nabaril na si pointguard Franz Dysam.
Pupuntiryahin ng Letran College ang kanilang pang anim na sunod na panalo sa pagsagupa sa Arellano University ngayong alas-4 ng hapon sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa Pasay City.
Matapos ang kanilang 61-53 paggupo sa Lyceum Pirates noong Sabado ay pinagbabaril naman ng isang riding in tandem si Dysam at ang nobya nitong si Joanne Sordan sakay ng kotse habang papauwi.
Anim na tama ng bala ang natanggap ni Dysam sa pagtatakip ng kanyang katawan kay Sordan na namatay habang isinusugod sa ospital.
Hindi naglaro ang 5-foot-7 na si Dysam noong naÂkaraang NCAA season dahil sa natanggap niyang death threats.
“The member schools of the NCAA have always held the welfare of their students with utmost importance. It is in this regard that we join Colegio de San Juan de Letran community in seeking for the immediate resolution of the case and praying for the speedy recovery of Franz. We also extend our condolences to the family of Ms. Joanne and pray for her repose,†wika ng NCAA sa kanilang official statement.
Kasalukuyang tangan ng Letran ang liderato mula sa kanilang malinis na 5-0 record kasunod ang three-time champions San Beda (5-1), Perpetual (5-1), San Sebastian (4-2), Jose Rizal (3-3), Lyceum (2-3), Arellano (2-3), Mapua (1-5), Emilio Aguinaldo College (1-5) at St. Benilde (0-5).
Nanggaling naman ang Chiefs sa isang 66-73 pagÂyukod sa Altas noong Hulyo 18.
Sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi ay magtaÂtagpo naman ang Lyceum at ang St. Benilde.