MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating ngayon sa bansa sina NBA stars James Harden ng Houston Rockets at Eric Gordon ng New Orleans Pelicans para sa NBA 3X event sa Hulyo 26-28 sa SM Mall of Asia.
“We’re excited to have All-Star James Harden and Eric Gordon join us for NBA 3X,†sabi ni Carlo Singson, ang NBA Phl country manager. “Their appearance will make this event even more exciting and will inspire players to do their best in this year’s competition.â€
Ito ang ikalawang pagkakataon na magiging biÂsita si Harden sa bansa matapos mapabilang sa Ultimate All-Star Weekend noong 2011 kasama sina NBA stars Kobe Bryant, Kevin Durant, Chris Paul, Derrick Rose at Tyreke Evans.
Nagmula si Harden sa Oklahoma City Thunder.
“I’m excited to return to the Philippines to be a part of NBA 3X,†wika ni Harden, tinulungan ang Rockets na makapasok sa NBA Playoffs sa unang pagkakaÂtaon matapos noong 2008-09 season kung saan niya pinangunahan ang Houston sa scoring (26.33 per game), assists (4.50 per game) at steals (2.00 per game).
“Filipinos have an unmatched passion for basketball and I look forward to meeting the fans and catching some of the best basketball talent the country has to offer,†dagdag pa nito.
Magbabalik si Harden sa bansa sa Oktubre 10 sa pagsagupa ng Rockets sa Indiana Pacers, ang EasÂtern Conference finalists, sa isang pre-season game sa MOA Arena.
Isa namang dating kamador si Gordon sa Los Angeles Clippers bago naging limitado ang playing time sa Pelicans bunga na rin ng kanyang mga injuries sa nakaraang dalawang seasons.
Bukod kina James, HarÂden at Gordon, tatlo pang NBA players ang bibisita sa bansa ngayong taon.
Nakatakdang bumalik sa bansa si Bryant sa pamamagitan ng Lenovo Mobile sa Agosto 12 at ang Adidas endorser na si Rose sa Setyembre.
Posible ring bumisita sa bansa si His Airness Michael Jordan sa pamamaÂgitan ng Gatorade.