Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. Ateneo vs UST
MANILA, Philippines - Nakabangon ang Falcons mula sa isang 17-point deficit sa final canto para maitabla ang laro sa huling 1:20 ng fourth quarter.
Isang dramatikong pagÂtatapos sana ang mapapanood ng mga basketball fans kundi lamang tuÂmawag ng kontrobersyal na unsportsmanlike foul si referee Francisco Olivar, Jr. laban kay Adamson player Gian Lloyd Abrigo dahil sa pagbabantay nito kay La Salle center Norbert Torres.
Mula dito, nailusot ng Green Archers ang 70-67 panalo kontra sa Falcons para makabawi sa isang two-game losing skid sa first round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tumabla ang La Salle sa Adamson, UE at NU mula sa magkakatulad nilang 3-3 kartada sa ilalim ng Far EasÂtern (6-0) at UST kasunod ang five-time chamÂpions Ateneo (2-4) at UP (0-6).
Mula sa isang 17-point deficit, 44-61, sa 7:47 sa fourth quarter ay bumangon ang Falcons para itabla ang labanan sa 65-65 galing sa dalawang free throws ni Abrigo sa huling 1:20 nito.
Nagsalpak si Jeron Teng ng dalawang freethrows para muling ilayo ang Green Archers sa huling 41.9 segundo mula sa foul ni Abrigo.
Matapos ang turnover ni Abrigo sa 36.2 segundo, tinawagan naman siya ni Olivar ng isang unsportsmanlike foul dahil sa pagdedepensa sa 6-foot-7 na si Torres sa natitirang 15.9 segundo.
Naikonekta ni Torres ang kanyang dalawang charities para sa 69-65 bentahe ng La Salle.
Muling na-foul si Torres at tumipa ng isang free throw sa pagbabalik ng posesyon sa Taft-based team para sa kanilang 70-65 abante.
Sa unang laro, tinalo ng Tigers ang Fighting Maroons, 79-69, sa likod ng 18 points ni Aljon Mariano, 16 ni Kevin Ferrer, 14 ni import Karim Abdul at 12 ni Clark Bautista.
UST 79 - Mariano 18, Ferrer 16, Abdul 14, Bautista 12, Lo 9, So 4, Daquioag 4, Pe 2, Tan 0, Macasaet 0, Lao 0.
UP 69 - Marata 16, Lao 9, Wong 7, Pascual 7, Ball 7, Ligad 6, Gingerich 5, Suarez 4, Harris 4, Asilum 4, Gallarza 0.
Quarterscores: 21-15; 35-31; 56-48; 79-69.
La Salle 70 - N. Torres 13, Perkins 13, Teng 12, osotros 11, Van Opstall 10, Revilla 6, T. Torres 3, De La Paz 2, Tampus 0, Salem 0, Bolick 0
Adamson 67 - Trollano 14, Cruz 13, Abrigo 10, Cabrera 9, Inigo 7, Brondial 6, Sewa 5, Agustin 2, Julkipli 1, Rios 0, Petilos 0, Monteclaro 0
Quartescores: 18-7; 35-22; 55-42; 70-67.