^

PSN Palaro

Pagpapadala sa Gilas sa Myanmar Adalem pumalag kay Cojuangco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Imbes na alalahanin kung anong koponan ang isasabak sa men’s basketball tournament ng darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Dis­yembre, mas dapat tutukan ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission ang ibang sports na na­ngangailangan ng tulong.

Ito ang reaksyon kaha­pon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas treasurer Dr. Jay Adalem matapos ang pagpipilit ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. na ang Gilas Pilipinas II ang dapat isabak ng SBP sa 2013 Myanmar SEA Games.

“I think may iba pang mga sports diyan na kaila­ngan ng tulong nila kagaya ng football imbes na isipin nila ang basketball,” wika ni Adalem ng St. Clare at kasalukuyang chairman ng National Athletic Association of Schools, Colle­ges and Universities (NAASCU).

Kamakalawa ay sinabi ni Cojuangco na ang pag­papadala ng SBP sa Myan­mar SEA Games ay gagarantiya sa bansa ng gintong medalya.

Ngunit ayon kay Ada­lem, isang ‘over kill’ na kung ang Gilas II ni head coach Chot Reyes ang isasabak ng SBP sa naturang biennial event.

“Hindi natin kailangan ng sobrang lakas na team sa SEA Games. Lalung-lalo na sa PBA na may conflict sa kanilang schedule,” wika ni Adalem.

“Tayo naman ever since have been winning the gold medal in SEA Games with collegiate players.”

Sa 2011 SEA Games sa Jakarta, Indonesia, inangkin ng isang all-amateur squad na ginabayan ni coach Norman Black, ang gintong medalya laban sa ibang bansang nagparada ng ilang professional pla­yers mula sa Asean Basketball League (ABL).

Samantala, nakatakda namang buksan ang 13th season ng NAASCU sa Agosto 13 sa Makati Coliseum.

Kabuuang siyam na ko­ponan ang matutung­hayan sa torneo kung saan  magbabalik sa liga ang University of Makati at ang Lyceum of Subic Bay, habang idinagdag naman ang Polytechnic University of the Philippines.

ADALEM

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

CHOT REYES

COJUANGCO

DR. JAY ADALEM

GILAS PILIPINAS

LYCEUM OF SUBIC BAY

MAKATI COLISEUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with