MANILA, Philippines - Nagpatala ang Pilipinas ng 526 atleta para ilahok sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ngunit bago umalma ang lahat, nilinaw kahapon ni PSC Chairman Ricardo Garcia na ang bilang na ito ay entry by numbers lamang at malayo ito sa aktuwal na maÂgiging bilang ng delegasyon sa 2013 SEA Games.
“There are a number of NSAs who are still lobbying for their athletes for their inclusion to the SEA Games. So what we did was to send the number but we maintain our position that we will field 200 or less athletes,†wika ni Garcia.
Magkakaroon pa ng one-on-one meeting ang mga NSAs at ang Task Force na pinamumunuan nina Garcia at POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. at kaiÂlangang makumbinsi ng mga NSAs na palaban sa ginto ang kanilang atleta para makatiyak ng tiket sa delegasyon.
Ang football ay nangunguna sa nagsususog na sila ay ipadala sa Myanmar SEA Games bagamat wala pang naipapanalong torneo ang Under 23 team.
Nagpasok naman ang swimming association ng 76 bilang ng atleta na ikiÂnagulat ni Garcia.
“Kung saan nila kinuha ito ay hindi ko alam. Kaya nga kailangang i-justify nila ang ipinapasok nilang atleta at kumbinsihin kami na lalaban sila sa ginto,†sabi ni Garcia sa swimming association.