MANILA, Philippines - Aminado si Mexican world flyweight champion Juan Francisco Estrada na mahihirapan siya kay FiÂlipino challenger Milan MeÂlindo sa kanilang banggaan sa Hulyo 27 sa Cotai AreÂna ng Venetian Casino and Resort.
Ayon kay Estrada, gaÂgawin niya ang lahat paÂÂra maibalik sa Mexico ang kanyang mga bitbit na World Boxing OrganiÂzaÂtion (WBO) at World BoÂÂxing Association (WBA) flyÂweight titles.
“We will bring our two belts back to Mexico. I share my titles with my team and with the people of Mexico who support me,†wiÂka ni Estrada.
Si Estrada ang umagaw sa dating suot na WBO crown ni Brian ‘Hawaiian Punch’ Viloria sa kanilang unification fight noong Abril na idinaos sa Macau.
Lumaban si Melindo sa undercard ng Viloria-EsÂtrada fight kung saan niya pinatumba si Indonesian boÂxer Tommy Seran sa fourth round.
Nagtungo na ang grupo MeÂlindo sa Macau, China para sa kanyang paghahaÂmon kay Estrada.
Pipilitin ni Melindo (29-0-0, 12 KOs) na maagaw kay Estrada (24-2, 18 KOs) ang mga hawak nitong WBO at WBA flyweight belts.
Layunin ni Melindo na maiganti si Viloria kasabay ang pag-agaw kay Estrada ng mga suot nitong WBO at WBA titles.
Kumpiyansa naman si Estrada na maipagtatanggol niya ang kanyang mga titulo.
Sakaling manalo, si EsÂÂtrada ay itaÂtapat siya ng kanyang proÂmoter kay daÂÂting world chamÂpion Hernan ‘Tyson’ Márquez.